
Umakyat na sa P18.55 trilyon ang kabuuang utang ng Pilipinas batay sa datos ng pamahalaan hanggang noong Mayo 2026, ayon sa Bureau of the Treasury.
Mas mataas ito ng P76.11 bilyon kumpara noong Abril dahil sa pagtaas ng domestic securities.
Sa kabuuan, umabot sa P12.50 trilyon ang panloob na utang habang P6.05 trilyon naman ang panlabas na utang ng bansa.
Umakyat din ang guaranteed obligations ng pamahalaan sa P443 bilyon.
Patuloy na binabantayan ng mga ekonomista ang lagay ng utang ng bansa kaugnay ng pagsisikap na mapanatili ang piskal na disiplina sa kaban ng bayan.
-- ADVERTISEMENT --










