Naaresto ng PNP Tuguegarao ang isang 20 taong gulang na vendor na si alias Marlon, sa bisa ng isang search warrant sa kanyang inuupahang bahay kahapon, Mayo 9, 2025.
Nakumpiska mula sa suspek ang 15 sachet ng hinihinalang shabu, isang weighing scale, belt bag, at iba pang drug paraphernalia.
Isinagawa ang operasyon sa presensya ng mga opisyal ng barangay at kinatawan mula sa DOJ, alinsunod sa tamang proseso.
Dinala ang suspek at mga ebidensya sa PDEA RO2 para sa pagsusuri, bago siya isinailalim sa medical check-up at ikinustodiya sa Tuguegarao Police.
Ayon kay PLTCOL Darwin John Urani, ang operasyon ay patunay ng maigting na kampanya kontra droga ng kanilang himpilan.
Hinihikayat rin ng pulisya ang publiko na makiisa sa laban kontra ilegal na droga.