Nilinaw ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na matagal na ang viral video ng isang security guard na nag-headlock sa isa umanong nagnakaw sa isang convinient store.

Ayon sa NCRPO, nangyari ang insidente noon pang July 6, 2024 sa Barangay San Dionisio, Paraque City.

Na-monitor aniya nila na pinalutang lang muli ang video ng isang netizens noong April 23 kaya agad silang nagsagawa ng verification.

Giit pa ng pulisya na hindi namatay, kundi hinimatay lang ang lalake sa video na sinasabing magnanakaw.

Sa ngayon nahaharap pa rin sa reklamong theft ang lalaking nagnakaw habang wala namang reklamo laban sa sekyu.

-- ADVERTISEMENT --