
Mas pinalawig pa ng Taiwan ang visa-free entry program para sa mga may hawak ng Philippine passport, na magbibigay-daan sa mga Pilipino na makapasok sa bansa nang walang visa hanggang sa Hulyo 31, 2027.
Mababatid na kasunod ito ng desisyon ng Pilipinas na ipagpatuloy rin ang visa-free entry para sa mga Taiwanese visitor sa bansa sa ilalim ng reciprocal arrangement o pantay na pagbibigay ng pribilehiyo sa paglalakbay.
Mananatiling hanggang 14 araw ang maaaring itagal ng mga Pilipino sa Taiwan nang hindi na kailangan ng visa simula Agosto 1, 2026 hanggang sa katapusan ng Hulyo 2027.
Sinabi pa ng Taiwan Ministry of Foreign Affairs na bahagi ito ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang turismo, negosyo, at ugnayan ng mga mamamayan sa ilalim ng New Southbound Policy nito.
Samantala, inaasahan namang makatutulong ang hakbang na ito sa pagpapalakas ng palitan ng turista, negosyo, at people-to-people exchanges sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.




