
Patay ang isang vlogger matapos kumain ng devil crab sa Puerto Princesa, Palawan.
Sa ulat, ang vlogger ay kinilalang si Emma Amit na nagpost ng pagkain nito ng lamang dagat bilang huling content nito.
Ayon sa kapitan ng Barangay Luzviminda, Pebrero 6 nang lutuin ni Emma ang alimangong nahuli ng kanyang asawa.
Nakasalo pa ni Emma sa pagkain ng alimango ang kanyang kaibigan na dumalaw na tumigil rin sa pagkain dahil sa pamamanhid ng kaniyang bunganga.
Sa kabila nito ay nagtuloy pa rin ng pagkain si Emma.
Idineklarang dead on arrival sa ospital si Emma.
Isinugod din sa ospital ang kaibigan ng biktima ngunit magaling na ito at nakauwi na rin ng bahay.
Samantala, kinumpirma ng kapitan na ang vlogger ang ikatlong indibidwal na nasawi sa kanilang barangay dahil sa pagkain ng devil crab.
Neurotoxin umano ang sanhi ng mga sintomas na paralysis at nakadepende sa dami ng toxin ang epekto nito sa tao.
Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources MIMAROPA na hindi lahat ng makukulay na alimango ay ligtas kainin at nakamamatay kabilang ang devil crab at green egg crab.








