Nakauwi na ng Pilipinas si Vice President Sara Duterte matapos ang halos isang buwang pananatili sa The Hague, Netherlands.

Sa impormasyon mula sa Office of the Vice President (OVP), dumating ang Pangalawang Pangulo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi sakay ng Emirates Airlines flight no. EK 334.

Matatandaang nanatili si VP Sara Duterte sa The Hague, Kingdom of the Netherlands, simula noong March 12 kasunod ng pagkaka-aresto sa kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nasa International Criminal Court (ICC) detention facility dahil sa kasong crimes against humanity.

Sa kangyang halos isang buwan na pananatili sa The Hague, trinabaho ni VP Duterte ang pagbuo ng defese team ng kanyang ama.

Inaasahan na sa mga susunod na araw ay maglalabas ng mga pahayag ang Bise Presidente sa ilan pang mahahalagang usapin o isyung kinakaharap nito ngayon ayon sa OVP.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kanyang pagbabalik sa bansa, haharapin ni VP Duterte ang paglilitis matapos na siya ay ma-impeach ng Kamara noong buwan ng Pebrero dahil sa maraming asunto, kabilang ang umano’y hindi tamang paggamit sa confidential funds.