Naging emosyonal si Vice President Sara Duterte habang nagsasalita sa isang kumperensya sa Davao City, kung saan ibinahagi niya ang kanyang pananabik at pangungulila sa kanyang pagbabalik sa sariling lungsod.

Ayon kay Duterte, tuwing nakatatanggap siya ng imbitasyon para sa isang aktibidad sa Davao City, agad niya itong tinatanggap dahil ito ay pagkakataon upang makauwi.

Dagdag pa niya, naging mapagnilay siya habang muling nakikita ang dati niyang mga katrabaho sa City Hall.

Ibinahagi rin ng bise presidente na matapos siyang magbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) noong 2024 at ihayag ang kanyang planong tumakbo sa pagkapangulo, may ilang imbitasyon umano para sa kanya ang nakansela.

Nagpasalamat din si Duterte sa patuloy na suporta ng publiko sa kanya at sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nakadetine sa The Hague, Netherlands kaugnay ng kasong crimes against humanity dahil sa umano’y extrajudicial killings sa ilalim ng kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.

-- ADVERTISEMENT --