Patay ang isang vulcanizer matapos na sumabog ang gulong ng truck habang vinu-vulcanize nito sa bayan ng Tuao, Cagayan.
Kinilala ni PMAJ Junjun Balisi, hepe ng PNP Tuao ang biktima na si Romnick Bogar, 21 anyos ng Barangay Batayug.
Sinabi ni Balisi na naputol pa ang kamay at matindi ang pinsala sa mukha ng biktima dahil sa lakas ng impact ng pagsabog.
Ayon sa kanya, habang nilalagyan ng hangin ang gulong ay bigla itong sumabog.
Bukod sa namatay ay nasugatan ang kasama ng biktima na nagtamo ng injuries sa kanyang mata at mukha at iba pang bahagi ng kanyang katawan na ngayon ay nasa maayos ng kundisyon.
-- ADVERTISEMENT --