Inihayag ni Senate Sergeant-at-Arms at retired Police Major General Mao Aplasca na wala umanong nakuhang CCTV footage sa puwesto ng mga tauhan ng Office of the Sergeant-at-Arms o OSAA at ng mga Marines noong naganap ang insidente ng pamamaril sa Senado.

Ayon kay Aplasca, ang footage na hawak ng kanilang tanggapan ay nagpapakita lamang umano ng galaw ng mga ahente ng National Bureau of Investigation o NBI habang nagaganap ang insidente.

Sinabi niya na nakikita sa video ang pag-flash ng mga baril mula sa direksyon ng kinaroroonan ng mga tauhan ng NBI.

Dagdag pa ni Aplasca, wala silang makitang footage mula sa mismong posisyon ng OSAA at ng mga Marines na naka-deploy sa Senado noong gabing iyon.

Aniya, ang tanging nakikita na lamang sa footage ay ang pagdating ng kanilang tactical personnel matapos ang insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nilinaw naman ni Senador Jinggoy Estrada ang kanyang pahayag na narinig sa isang video kung saan sinabi niyang itago ang CCTV.

Ayon kay Estrada, ang ibig niyang sabihin ay dapat mapreserba ang CCTV footage bilang bahagi ng imbestigasyon sa nangyaring pamamaril sa Senado.