Makikita na sa Google Maps ang West Pphilippine Sea (WPS).
Ang Google Maps search sa Scarborough o Panatag Shoal, isang common fishing ground na matatagpuan sa loob ng 200-nautical miles exclusive economic zone ng Pilipinas, ay ipinapakita na ito ay nasa loob ng katubigan na tinukoy na West Philippine Sea.
Noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III, opisyal na kinilala ang mga lugar sa kanlurang bahagi ng pulo bilang West Philippine Sea.
Sa ilalim ng Administrative Order No. 29, na nilagdaan noong September 5, 2012, ang maritime areas sa kanlurang bahagi ng Philippine archipelago ay pinangalanang West Philippine Sea.
Ang mga lugar na ito ay kinabibilangan ng Luzon sea maging ang katubigan na nasa palibot, nakapaloob at katabi ng Kalayaan Island Group at Bajo de Masinloc, na kilala rin na Scarborough Shoal.
Noong 2016, pumabor ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague sa pag-aangking ng China sa South China Sea, kung saan sinabing wala itong legal na basehan.
Nakasaad din sa desisyon na ang Ayungin Shoal, ang Spratly Islands, Panganiban o Mischief Reef, at Recto o Reed Bank ay nasa loob ng EEZ ng Pilipinas.
Subalit, tumanggi ang China na kilalanin ang ruling ng korte hanggang sa ngayon at hindi pa rin tumitigil sa ginagawa nitong agression laban sa barko at personnel ng bansa, kabilang ang pag-water cannon at pagbangga sa Filipino-manned coastguard fishing vessels.