Inihayag ng World Health Organization (WHO) na wala itong na-obserbahan na anomang hindi pangkaraniwan na outbreak patterns sa China kasabay ng mga ulat ng tumataas na bilang ng acute respiratory infections at ito ay nasa inaasahan na range sa winter season.
Ayon sa WHO ang trends sa acute respiratory infections ay kadalasang tumataas sa panahon ng tag-lamig sa maraming bansa sa Northern Hemisphere, kabilang ang China.
Ipinaliwanag ng WHO na ang pagtaas ng nasabing sakit ay dahil sa seasonal epidemics ng respiratory pathogens tulad ng seasonal influenza, respiratory syncytial virus (RSV), at iba pang karaniwan na respiratory viruses, kabilang ang human metapneumovirus (hMPV) at mycoplasma pneumoniae.
Igiit ng WHO na ang pagtaas ng nasabing mga sakit ay hindi pangkaraniwan, sa halip ay dahil sa malamig na panahon.