Nanatili sa 3.7% ang economic growth forecast ng World Bank para sa Pilipinas ngayong 2026, mas mababa kumpara sa 4.4% na paglago noong 2025.

Ayon sa World Bank Philippine Economic Update, dulot ito ng policy uncertainty na nakaapekto sa investments at kumpiyansa ng pribadong sektor, gayundin ng pagtaas ng presyo ng enerhiya na nagdulot ng mas mataas na inflation.

Pasok pa rin ang forecast sa revised GDP growth target ng pamahalaan na nasa 3.5% hanggang 4.5% para sa taong ito.

Binigyang-diin ng World Bank na kailangang palakasin ang ayuda sa mga mahihirap, kontrolin ang inflation, at pagbutihin ang business environment upang maibalik ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan.