Pinaaresto na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Cong. Zaldy Co at 17 pang opisyal mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Sunwest Corporation kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Ayon sa Pangulo, may inilabas nang warrant of arrest ang Sandiganbayan laban sa mga ito, na nakabatay sa ebidensiyang isinampa ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at ng DPWH.

Giit ng pangulo na dokumentado at matibay ang mga basehan ng kaso, na hindi batay sa mga kwento o haka-haka.

Ipinag-utos din niya na agad ipatutupad ng mga awtoridad ang pag-aresto nang naaayon sa batas, ihaharap ang mga akusado sa korte, at pananagutin sila nang walang special treatment o sinasanto.

Mariin ding iginiit ng pangulo na siya ang nagpasimula ng malawakang paglilinis sa flood control anomalies at siya rin ang tatapos dito.

-- ADVERTISEMENT --