Huli ang 10 katao sa Sitio Binaybay, Barangay Agaman, Baggao, Cagayan dahil sa pagsasabong kahpon.

Sa isinagawang beripikasyon, nabigong magpakita ng kaukulang dokumento o permit ang 10 suspek upang magsagawa ng sabong, dahilan upang agad silang huliin ng mga awtoridad.

Kabilang sa mga nakumpiskang ebidensya sa lugar ng operasyon ay 10 buhay na manok panabong, isang patay na manok panabong, siyam na piraso ng tari, pitong plastic scabbard, isang sharpening tool, isang gaffer set, tatlong cage box, isang sling bag, at halagang Php11,340.00 sa iba’t ibang denominasyon.

Ang inventory ng mga nakumpiskang ebidensya ay isinagawa mismo sa lugar ng insidente sa harap ng opisyales sa barangay.

Ang mga suspek at ang mga ebidensyang narekober ay dinala sa Baggao Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

-- ADVERTISEMENT --