
Umabot na sa 13 flights ang naapektuhan ng masamang panahon ngayong Lunes, Agosto 17, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
Batay sa monitoring ng CAAP hanggang alas-3 ng hapon, walong flights ang na-divert o kinailangang ilipat sa ibang airport.
Kabilang dito ang mga biyaheng mula Vancouver, Tacloban, Dubai, San Francisco, Da Nang at Bacolod, na ilan ay pinalapag muna sa Clark, Cebu at Iloilo.
Tatlong flights naman ang nagkaroon ng missed approach at dalawa ang nagsagawa ng go-around routine. Wala pang naitalang kanseladong flight.
Pinapayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan muna sa kanilang airline upang alamin ang flight status bago magtungo sa paliparan.
-- ADVERTISEMENT --










