Sumang-ayon ang 18 dating Marines na nagsabing nagdala sila ng milyong-milyong sa mga dati at iba’t ibang public officials na magkaroon ng one-on-one interviews sa National Bureau of Investigation (NBI), ayon sa kanilang abogado na si Atty. Levito Baligod.

Bumalik sa NBI si Baligod at mga nasabing dating Marines sa NBI para magsumite ng karagdagang ebidensiya para sa sinabi nilang cash deliveries.

Dito sinabi ni Baligod na handa ang mga nasabing dating Marines na sumailalim sa individual interviews.

Matatandaa na nagpakita sa NBI si Baligod at mga dating Marines bilang tugon sa inilabas na subpoena laban sa kanila.

Nagpahayag ang mga ito ng kahandaan na makipagtulungan at magbigay ng mga impormasyon tungkol sa kanilang naging pagsisiwalat.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunman, itinanggi ni Baligod na magsusumite ang mga nasabing dating Marines ng kanilang individual affidavits.

Una nitong sinabi na maaaring gawin ang joint affidavit kung mayroong common knowledge.

Samantala, naghain ng reklamo sina National Security Adviser Eduardo Año, former Senator Antonio Trillanes IV, House Deputy Minority Leader Leila de Lima ng ML party-list, Fr. Flavie Villanueva, at Corrections Director General Gregorio Catapang Jr. laban sa mga nasabing dating Marines.

Ito ay matapos na idawit ang kanilang mga pangalan na tumanggap ng cash mula sa mga ito.