
SENSITIBONG BALITA: Plano ngayong idemanda ng isang 19-year old na estudyante ang isang TNVS driver na nanghalay umano sa kanya habang siya ay sakay ng sasakyan.
Ang driver na ito ay accredited ng isang Transport Network Company (TNC).
Ayon sa complainant, nangyari ang insidente noong May 8, 2026 sa Quezon City.
Nang isumbong niya umano ito sa kinauukulan, nasuspinde lang ang driver.
Pagdepensa ng driver, hindi nangyari ang paratang ng estudyante, dahil siya raw mismo ang niyaya nito.
Lumapit na ngayon sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang biktima upang magpatulong na mailapit ang usapin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Land Transportation Office.
Ayon sa founder ng LCSP na si Atty. Ariel Inton, pakiramdam ng ng biktima ay tila balewala lang ang naging reklamo niya sa Transport Network Company (TNC).
Samantala, naidemanda na rin nga rape sa Quezon city Prosecutor’s Office ang driver.
Sa huli, sinabi ni Inton na dapat tingnan ang ganitong mga sumbong upang sa sandaling mapatunayang may pananagutan ang driver ay mapapanagot ito.










