Babala: Sensitibong balita

Malubhang nasugatan ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kaniyang kapitbahay sa Barangay Payatas, Quezon City.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, umano’y nag-ugat ang insidente sa hindi pa nababayarang account sa online game na ibinenta ng suspek sa biktima.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.