Dalawang mga low pressure area (LPAs) ang namataan ng PAGASA sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Kaninang alas-otso ng umaga, ang unang LPA (LPA 05a) ay huling na-monitor sa layong 1,350 kilometro, silangan ng Northeastern Mindanao.

Sa ngayon, ‘unlikely’ pa naman, ‘o wala pa itong tiyansa na mag-develop bilang isang ganap na bagyo sa susunod na bente-kuwatro oras.

Inaasahang magdadala ito ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao sa Huwebes, ‘o sa Biyernes.

Ang isa pang LPA (LPA 05b) ay namataan sa layong 2,870 kilometro, silangan ng Northeastern Mindanao.

-- ADVERTISEMENT --

Sabado, ‘o araw ng Linggo, maaari itong makapasok ng PAR.

May ‘medium’ chance ito na maging isang tropical depression, at bibigyan ng local name na #CaloyPH sakaling maging bagyo at makapasok ng PAR.

Wala naman itong inaasahang magiging direktang epekto sa bansa.

Kung maaalala, April 12 noong naging super typhoon ang Super Typhoon Sinlaku, pero hindi naman dumiretso sa loob ng PAR.

Unang sinabi ng PAGASA na mayroong isa hanggang dalawang bagyo ang makapasok ng PAR ngayong Mayo.