Naaresto ngayong Hunyo 29, 2025, ang isang lalaking wanted sa kasong Acts of Lasciviousness sa bayan ng Aparri, Cagayan sa bisa ng warrant of arrest.
Dinakip ang suspek na si alyas Jimboy, 21 taong gulang, binata, at mangingisda, sa bisa ng arrest warrant mula sa Municipal Circuit Trial Court ng Aparri-Calayan, Cagayan.
May inirekomendang piyansa ang korte na nagkakahalaga ng ₱36,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Ang operasyon ay pinangunahan ni PMAJ Ignacio Dijun N. Dinulong Jr., Officer-in-Charge ng Aparri Police Station, kasama ang pinagsanib na puwersa ng Joint Tracker Team ng Aparri PNP at 1st Mobile Force Platoon ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Aparri Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon bago ito ipasa sa korte para sa karampatang legal na proseso.
Patuloy namang pinalalakas ng Aparri PNP ang kanilang kampanya kontra kriminalidad upang masigurong ligtas at payapa ang buong komunidad.