Nasawi ang isang 22-anyos na lalaki matapos magkarambola ang tatlong motorsiklo sa bayan ng Aparri, Cagayan.

Ayon kay PCPL Mark Anthony Quitoriano, imbestigador ng PNP Aparri, kinilala ang mga biktima na sina Alyas Joseph, 26 anyos, Alyas Mark, 17 anyos, at Alyas Ben, 22 anyos.

Lumabas sa imbestigasyon na sina Alyas Joseph at Alyas Mark ay galing sa Camalaniugan at pauwi na sana sa Centro, Aparri, habang si Alyas Ben naman ay galing din sa Centro.

Nang makarating ang mga biktima sa isang kalsada, napansin na mabilis ang takbo ng dalawang motorsiklo at sinolo pa nila ang kalsada.

Dahil dito, nabangga ni Joseph ang kasunod niyang motorsiklo na minamaneho ni Mark, at sumunod namang nabangga ang motorsiklo ni Ben, kaya nagkaroon ng karambola.

-- ADVERTISEMENT --

Agad dinala sa pagamutan ang tatlong biktima, ngunit idineklarang dead on arrival si Ben, 22 anyos.

Napag-alaman na ang dalawang motorsiklo ay madalas magpatakbo nang mabilis tuwing gabi, na isa sa mga posibleng dahilan ng insidente.

Sa ngayon, patuloy pang nagpapagaling ang dalawang iba pang biktima sa pagamutan.