
Makakauwi na sa Pilipinas ang 24 na Pilipinong siyam na buwang nakadetine sa Irkutsk, Siberia matapos aprubahan ni Russian President Vladimir Putin ang kanilang pagpapalaya.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., personal niyang inihain kay Putin ang usapin sa kanilang bilateral meeting sa sidelines ng ASEAN-Russia Commemorative Summit sa Kazan.
Napag-alaman ng mga awtoridad ng Russia na walang kasong kinahaharap ang mga Pilipino, na umano’y nabiktima ng illegal recruiters at nasangkot sa mga problema sa immigration.
Sinabi ni Pangulong Marcos na nakatakda nang palayain at ideport pabalik sa Pilipinas ang 24 na Pilipino pagsapit ng Biyernes ng alas-5 ng hapon upang makabalik na sa kani-kanilang pamilya.
Una nang hiniling ng Pangulo sa pamahalaan ng Russia na mabigyan ng impormasyon ang mga pamilya ng mga nakadetineng Pilipino at matulungan silang maresolba ang kanilang sitwasyon.










