Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang driver ng isang kotse na tumakas matapos banggain ang sinusundang kolong-kolong lulan ang tatlong miyembro ng pamilya sa bayan ng Gattaran, Cagayan.

Sugatan matapos tumilapon sa palayan ang mga biktima na kinilalang sina Richard Elpedes, asawang si Lusita, kapwa 38-anyos at 17-anyos na anak, pawang mga residente sa Piggatan, Alcala.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na kapwa binabaybay ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng pambansang lansangan sa Barangay San Vicente noong August 8 nang bumangga sa likurang bahagi ng kolong-kolong ang kotse.

Sa halip na huminto ay nagtuloy-tuloy ang kotse hanggang sa narekober ito ng pulisya na inabandona ng suspek sa Barangay Maraburab.

Naniniwala ang pulisya, iniwan ng suspek ang kanyang kotse matapos itong mag-overheat.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang mga bitkima sa pagamutan na magdedeliver lamang sana ng mga panindang buko nang mangyari ang insidente.

—with reports from Bombo Efren Reyes, Jr.