
Naniniwala ang TV host-actress na si Mariel Rodriguez na marami pang magagawa ang kanyang asawang si Sen. Robin Padilla bilang public servant.
Ito’y kasabay ng paglilinaw ni Mariel sa naging kontrobersyal na pahayag niya noon na ayaw na umano niyang patakbuhin ang asawang action star sa 2028 elections.
Nabanggit kasi ni Mariel sa isang panayam noon na pakiramdam daw niya ay hindi deserve ng mga tao si Robin as public servant dahil sa mga kumukuwestiyon sa kanyang kakayahang maglingkod.
Na-bash ang TV host dahil sa kanyang naging pahayag at sinabihan ng mga netizens na kayabangan at kahambugan ang statement niya.
Pero sa podcast ni Sen. Imee Marcos na “Imee&You”, nagpaliwanag si Mariel hinggil sa issue.
Aniya, ang tinutukoy daw niya na hindi karapat-dapat para kay Sen. Robin ay ang mga kritiko nito
At kung tatanungin daw siya ngayon kung nais pa niyang tumakbo si Robin sa 2028 at ipagpatuloy ang paglilingkod sa publiko, papayag daw siya agad-agad.










