
Inihayag ni Department of Agriculture (DA) Asec. Retary Genevieve Guevarra sa price monitoring ng departamento sa Mutya ng Pasig Mega Market ngayong Lunes, May 18 na pinag aaralan ngayon ng DA ang pagpapataw ng P100 price cap sa kada kilo ng carrots.
Ito ay kasunod ng mataas na presyo nito hindi lang sa nasabing pamilihan kundi maging sa iba dahil umano sa pag i-smuggle nito.
Gayunpaman, wala pang pinal na impormaayon kung kailan matatapos ang nasabing pag aaral at kung kailan ito ipapatupad.
Samantala, nagkakahalaga ng P160 hanggang P180 kada kilo ang presyo ng carrots sa nasabing pamilihan habang pasok naman ang iba pang gulay sa ipinatutupad na prevailing price ng bantay presyo ng DA.










