
Hindi bababa sa 38 ang nasawi matapos tumama ang magnitude 7.7 na lindol sa silangang bahagi ng Indonesia nitong Sabado.
Ayon sa National Disaster Management Agency o BNPB, dalawa ang malubhang nasugatan at 11 naman ang nagtamo ng minor injuries.
Tinatayang 2,000 residente ang lumikas patungo sa mas ligtas na lugar.
Naitala rin ang tsunami waves na wala pang isang metro sa ilang bahagi ng bansa, ngunit inalis na ang tsunami warning makalipas ang tatlong oras.
Patuloy ang search and rescue operations sa mga lugar na pinakamalapit sa epicenter, habang may ilang kalsada na hindi madaanan dahil sa landslides.
Ilang bahay, gusali at government facilities din ang napinsala, habang naiulat ang pagkawala ng kuryente at problema sa komunikasyon sa ilang lugar.
Ayon sa Indonesian authorities, patuloy ding nararanasan ang mga aftershock matapos ang malakas na lindol.










