Nagpapatuloy ang search and rescue operation ng mga awtoridad sa Indonesia para sa 125 katao na nawawala matapos tumaob ang isang passenger ship sa Java Sea.

Ayon sa Indonesian National Search and Rescue Agency, umakyat na sa 10 ang kumpirmadong nasawi, habang 108 ang nakaligtas sa insidente.

Ang Virgo Transport 8 ay may sakay na 243 katao, kabilang ang 30 crew, nang tumaob noong Setyembre 13 dahil sa masamang panahon habang bumibiyahe mula Surabaya patungong Banjarmasin.

Nahadlangan ng malalakas na agos ang operasyon nitong Linggo, ngunit ipagpapatuloy ang paghahanap sa Lunes.

Gagamit din ang mga rescuer ng remotely operated vehicle o ROV para gabayan ang mga diver sa loob ng barko at mas mapadali ang pagkuha sa mga posibleng biktimang naiwan sa hull.

-- ADVERTISEMENT --

Pinalawig ng mga awtoridad ng isang linggo ang search and recovery operation dahil sa dami ng nawawala at sa inaasahang tagal ng proseso ng pag-right o pagbalik sa barko sa tamang posisyon.