Kinumpirma ni Pangulong Bongbong Marcos na nilagdaan na nito ang pagkakaloob ng absolute pardon para kay Mary Jane Veloso.

Sa ambush interview sa Pangulo sa isang event ngayong umaga, kinumpirma nitong pinirmahan niya na ang pardon para kay Veloso kahapon.

Kamakalawa, sa plenary debates para sa hirit na 2027 Budget ng Office of the President, unang nabanggit ni Appropriations Committee Senior Vice Chairperson Albert Garcia na ‘seryosong kinokonsidera’ ni Marcos ang pagbibigay ng pardon.

Una na ring nabanggit ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na hindi na kailangan pang ipaalam sa Indonesia kung sakaling maaprubahan ang pardon.

Mababatid na naaresto si Veloso sa Indonesia noong 2010 at kinasuhan ng drug trafficking kaya nanatili siya sa death row hanggang sa mabigyan ng last-minute reprieve noong 2015.

-- ADVERTISEMENT --

Taong 2024 nang makauwi sa Pilipinas si Veloso at dito na niya ipinagpatuloy ang nalalabing sentensya.