
Natuklasan ng mga mananaliksik ang apat na bagong fault zones sa ilalim ng dagat sa kanlurang bahagi ng Luzon sa pag-aaral na pinangunahan ng UP Marine Science Institute (UP MSI) katuwang ang DOST-PHIVOLCS at UP-National Institute of Geological Sciences (UP-NIGS).
Ayon sa mga eksperto, ang mga bagong fault zones ay mga “branch” ng pangunahing Philippine Fault Zone, at ang isa sa mga ito ay umaabot hanggang sa Manila Trench, isang aktibong undersea trench na maaaring pagmulan ng malalakas na lindol at tsunami.
Sinabi ng mga mananaliksik na makatutulong ang pagtuklas sa mga bagong fault zones upang mas mapabuti ang hazard assessment at paghahanda ng pamahalaan at publiko laban sa posibleng malalakas na lindol at tsunami sa Luzon.








