Sugatan ang 43 katao kabilang ang dalawang buntis matapos na mahulog sa bangin at bumaliktad ang sinakyan nilang jeep sa Barangay Rome Norte, Enrile, Cagayan.
Ayon kay Enrile Mayor Miguel Decena Jr., pauwi na sana ang mga ito sa Brgy. Maddarulug Sur galing sa kasalan sa Ilagan City, Isabela nang mangyari ang insidente kung saan malapit na rin ito sa kanilang mga tahanan.
Base sa imbestigasyon, hindi pa karamihan ang sakay ng jeep nang papunta ito sa kasalan sa Ilagan City, ngunit nang pauwi na ang mga ito ay maraming umano ang nakisakay.
Aniya, hindi gumana ang preno at overloading ang nakikitang dahilan ng pagkahulog ng jeep sa bangin na nasa 3-5 feet ang lalim.
Sa ngayon aniya ay patuloy paring nilalapatan ng lunas ang mga bitkima sa Cagayan Valley Medical Center habang nagpaabot na rin ng agarang tulong si Senator Bong Go matapos makipag- ugnayan si Mayor Decena para sa medical assistance para sa mga ito.