Ligtas nang nakauwi sa Pilipinas ang 51 overseas Filipino workers (OFWs) at 23 nilang dependents na na-repatriate mula sa Dubai, United Arab Emirates, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Dumating ang mga repatriate sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Sabado sakay ng Emirates Flight EK334.

Ayon sa OWWA, isinagawa ang kanilang repatriation dahil sa iba’t ibang personal at employment-related concerns na nangangailangan ng agarang tulong ng pamahalaan.

Pagdating sa bansa, tumanggap ang mga OFW at kanilang pamilya ng pagkain, pinansyal na ayuda, transport assistance, at pansamantalang matutuluyan sa ilalim ng programang Alagang OWWA.

Patuloy rin silang bibigyan ng reintegration, livelihood, employment, at counseling assistance ng mga regional offices ng OWWA.

-- ADVERTISEMENT --