
Walang Pilipino ang nasaktan o naapektuhan sa magkakasunod na pagsabog sa Riyadh, Saudi Arabia noong Setyembre 18 at 19, ayon sa Department of Migrant Workers o DMW.
Patuloy namang minomonitor ng DMW ang kalagayan ng mga overseas Filipino worker o OFW sa Saudi Arabia, katuwang ang Philippine Embassy at Consulate.
Noong Biyernes ng gabi at Sabado ng umaga, nagpakawala umano ng mga drone at ballistic missile ang Houthi militants na tumarget sa Riyadh at ilang energy sites sa baybayin ng Red Sea.
Pinayuhan ng DMW ang mga OFW na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng lokal na awtoridad.
Tiniyak din ng ahensya na nakahanda ang Migrant Workers Offices na tumulong sa mga Pilipinong nangangailangan ng assistance at patuloy itong maglalabas ng update kaugnay ng sitwasyon.










