Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 62 katao matapos masiraan ng makina ang sinasakyang M/L Trisha Mae sa karagatan ng Bongao, Tawi-Tawi noong Hulyo 27.

Agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Bongao, Marine Environmental Protection Unit (MEPU) at Special Operations Group (SOG). Natagpuan ang motorboat at ligtas na nahila patungo sa Port of Bongao kung saan nakarating ang rescue team bandang alas-10:30 ng gabi.

Pinuri naman ni Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang mabilis at maayos na pagtugon ng mga tauhan ng PCG, at iginiit ang kahalagahan ng agarang maritime response upang matiyak ang kaligtasan ng mga nasa karagatan.