
Patuloy na makaaapekto ang easterlies sa malaking bahagi ng bansa ngayong Miyerkules, Nobyembre 18, na magdudulot ng mga pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa ilang lugar.
Inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Quezon, Camarines Norte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Davao Oriental.
Samantala, makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang mahinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.
Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dulot ng easterlies.
Nagbabala rin sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na makakaranas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan, gayundin sa panahon ng matitinding thunderstorms.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga pagbabago sa lagay ng panahon.










