
Hindi bababa sa 50 katao ang nasugatan matapos yanigin ng 7.1 magnitude na lindol ang Kumamoto Prefecture sa southern Japan nitong Martes, Hulyo 28.
Ilan sa mga biktima ang na-trap sa loob ng isang shopping mall na bahagyang gumuho matapos ang pagyanig.
Dahil sa lindol, nawalan ng kuryente ang libu-libong kabahayan, nagkaroon ng pinsala sa mga kalsada at tulay, at naantala ang operasyon ng tren at mga paliparan.
Inilikas din ang humigit-kumulang 300,000 residente bilang pag-iingat.
Bagama’t agad na nagpalabas ng tsunami warning ang mga awtoridad, kalaunan ay itinaas na ito.
-- ADVERTISEMENT --
Patuloy namang nagbabala ang Japan Meteorological Agency sa posibilidad ng malalakas na aftershocks at pagguho ng lupa sa mga susunod na araw.






