
Patuloy ang search and rescue operations sa southern Japan matapos ang magnitude 7.1 na lindol na ikinasawi ng hindi bababa sa 13 katao at nagdulot ng malawakang pinsala sa mga gusali, kalsada, at suplay ng kuryente.
Nailigtas ang walong katao mula sa gumuhong shopping mall sa Kumamoto, ngunit tatlo sa kanila ang nasawi habang apat pang manggagawa ang nawawala.
Hinihinala namang isang gas explosion ang nagpalala sa pinsala sa naturang establisimyento.
Mahigit 260,000 residente ang inilikas habang libu-libong kabahayan ang nananatiling walang kuryente.
Nagbabala rin ang mga awtoridad sa posibilidad ng mga aftershock at pagguho ng lupa sa mga apektadong lugar.
-- ADVERTISEMENT --










