Nailigtas ng mga rescuer ang 44-anyos na security guard na si Hernan Alberto Gil matapos siyang ma-trap sa guho ng Galerias Playa Grande shopping center sa estado ng La Guaira, Venezuela, halos walong araw matapos ang malalakas na lindol na tumama sa hilagang bahagi ng bansa.

Nagsimula ang rescue operation noong Lunes sa tulong ng mga rescuers mula sa Venezuela, El Salvador, Chile, Estados Unidos, Portugal, Mexico, at Costa Rica.

Habang nakakulong sa ilalim ng guho, binigyan si Gil ng tubig sa pamamagitan ng tubing habang naghuhukay ang mga tauhan ng dalawang lagusan dahil sa delikadong kondisyon ng mga debris.

Noong Huwebes, matagumpay siyang nailabas mula sa guho at agad na isinakay sa ambulansya sa gitna ng palakpakan ng mga rescuer.

Ayon sa mga ulat, mahigit 2,200 katao ang nasawi sa twin earthquakes na tumama sa Venezuela noong Hunyo 24.

-- ADVERTISEMENT --