TUGUEGARAO CITY-Kawalan ng perang pambili ng gamot ang dahilan ng pitong miembro ng pamilya mula sa bayan ng Amulung West,Cagayan kung kaya’t agad silang nagtungo sa lungsod ng Tuguegarao para makapag-avail sa Bombo Medico 2019.

Sa naging panayam kay Estrella Mangosin, 67-anyos, alas-tres pa lamang ng madaling araw ay nasa venue na ang magkakapamilya para maagang makapila at maagang matapos.

Ayon kay Mangosin, iisa lamang umano ang sasakyan na bumibyahe kada araw patungo dito sa lungsod ng Tuguegarao mula sakanilang lugar kung kayat bago pa ang mismong araw ng Bombo Medico ay nagtungo na siya kasama ang kanyang pamilya sa lungsod at nakitulog na lamang sa himpilan ng Bombo Radyo Tuguegarao station.

Aniya, nais ni Mangosin na ipacheck-up ang kanyang mata at iba pang karamdaman.

Kaugnay nito, labis ang pasasalamat ni Mangosin sa Bombo Radyo Philippines dahil sa pagbibigay nang malasakit sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t-ibang aktibidad tulad ng BOmbo Medico.

-- ADVERTISEMENT --