
Nakatakdang muling lumahok si Alexandra “Alex” Eala sa Hong Kong Tennis Open na gaganapin sa Nobyembre 2 hanggang 8.
Kasama si Eala sa mga tampok na manlalaro sa WTA 250 tournament, kabilang sina Paula Badosa, Wang Xinyu at Diana Shnaider.
Noong nakaraang taon, umabot si Eala sa Round of 16 bago natalo kay Victoria Mboko.
Bago bumalik sa Hong Kong, sisimulan ni Eala ang kanyang Asian swing sa Singapore Open at susunod na sasabak para sa Pilipinas sa Asian Games.










