
Nagbabala ang Philippine Embassy sa France sa mga Pilipino roon laban sa pagsasagawa ng ilegal na sugal, partikular ang ipinagbabawal na sabong.
Kasunod ito ng abiso mula sa French authorities hinggil sa ilang ilegal na aktibidad na kinasasangkutan umano ng ilang Pilipino sa bansa.
Ayon sa embahada, nakatanggap din ng reklamo tungkol sa mga kaguluhan at pagtatapon ng basura na iniuugnay sa naturang mga aktibidad.
Pinaalalahanan ng embahada ang Filipino community na ang ilegal na pagsasabong ay itinuturing na animal cruelty sa France at maaaring patawan ng hanggang tatlong taong pagkakakulong at multang 45-libong euro.










