
Umaaray ang mga magsasaka dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel na ginagamit sa mga makinarya sa bukid, kasabay ng pangambang maapektuhan ng El Niño ang susunod na taniman.
Ayon sa Department of Agriculture o DA, posibleng bumaba ng 700,000 metric tons ang produksyon ng palay dahil sa tagtuyot, habang maaari ring magkaroon ng fish kill at mahirapan ang produksyon ng gulay.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na halos puno ang mga dam, na maaaring magamit sa susunod na pagtatanim.
Samantala, naghahanda ang DA at National Food Authority o NFA ng sapat na suplay ng bigas. Target punuin ang nasa 60 bodega sa buong bansa, habang nasa 276,000 metric tons o katumbas ng 5.5 milyong sako ang kasalukuyang seven-day buffer stock ng NFA.
Patuloy rin ang pagbibigay ng fuel subsidy at fertilizer assistance sa mga magsasaka, habang nagsisimula na ang NFA sa pagbili ng palay.







