
Inilapat na ng United States ang mga B-1 bomber nito mula sa RAF Fairford sa United Kingdom, isang linggo matapos arestuhin ang limang lalaki na hinihinalang naghahanda ng mga teroristang gawain malapit sa base.
Ayon sa Pentagon, nakabalik na sa kanilang home bases sa US ang mga bomber na nakatalaga sa Fairford, na mahalagang base ng US Air Force para sa heavy bombers sa Europe.
Sinabi ni British Prime Minister Andy Burnham na posibleng suportado ng Iran ang hinihinalang plot, habang iginiit ng Iran na walang basehan ang naturang alegasyon.
Naaresto rin ang isang dual UK-Iranian national kaugnay ng imbestigasyon. Lahat ng anim na suspek ay nakalaya na sa piyansa.
Hindi naman nakitang may explosives sa lugar, bagama’t nakumpiska ng mga awtoridad ang ilang petrol.
Patuloy na iniimbestigahan ng counterterrorism police ang insidente.
Samantala, sinabi ng isang NATO official na hindi maaapektuhan ng pag-alis ng mga bomber ang kakayahan ng alyansa na tumugon sa anumang banta.










