Inaasahang aabot sa 1.9 milyon ang mga pasaherong gagamit ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa panahon ng Undas 2026, simula sa linggo ng Oktubre 25 hanggang Nobyembre 2.

Ayon kay PITX spokesperson Jason Salvador, patuloy ang kanilang paghahanda upang matugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga biyahero, lalo na sa mga uuwi sa kanilang mga probinsya.

Inaasahan ding makatutulong sa pagdami ng pasahero ang mas madaling pagpunta sa terminal dahil sa istasyon ng LRT-1 sa PITX.

Samantala, sasapit ang Undas sa Nobyembre 1 at 2, na kapwa idineklarang special non-working days.

Magdedeploy rin ang Philippine National Police ng mahigit 111,000 pulis upang tiyakin ang seguridad sa mga sementeryo at iba pang lugar na inaasahang dadagsain ng publiko.

-- ADVERTISEMENT --