Iminungkahi ni Senator Mark Villar na pagtuunan ng pansin ang pagtugon sa mga pangunahing hamong kinakaharap ng mga mamamayan, partikular ang posibleng matinding tagtuyot dulot ng Super El Niño at ang pagkalat ng African Swine Fever o ASF sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Villar, mahalagang magtayo ng karagdagang water pump stations, magbigay ng financial assistance, cash-for-work programs at farm inputs upang matulungan ang mga magsasaka na makayanan ang epekto ng tagtuyot.

Sa pagkalat naman ng ASF, iginiit ng senador ang mahigpit na pagpapatupad ng biosecurity measures, pagbibigay ng ayuda at indemnity fund sa mga apektadong hog raisers, gayundin ang maayos na monitoring at reporting system upang mapabilis ang pagbangon ng industriya ng paghahayupan.

Samantala, sinabi ni Villar na isinusulong din niya ang panukalang batas sa Senado upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Nasa Cagayan si Villar upang dumalo sa People’s Day at pamamahagi ng insurance sa mga magsasaka sa Santa Ana, gayundin sa groundbreaking ng Cabiddigan-Baraoidan Bridge sa Gattaran.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na ilang barangay sa Cagayan ang isinailalim sa lockdown dahil sa pagkalat ng ASF kasabay ng epekto ng el Nino phenomenon sa mga magsasaka sa lalawigan