Magbubukas sa Pilipinas sa Nobyembre ang British artisan bakery na Bread Ahead, na kilala sa sourdough bread at mga doughnut na may palaman.

Matatagpuan ang unang sangay nito sa Glorietta 4 sa Makati City, sa pakikipagtulungan ng Good Eats by SSI.

Bukod sa mga bestseller nito, mag-aalok din ang panaderya ng eksklusibong ube doughnut para sa mga mamimili sa Pilipinas.

Magkakaroon din ito ng 150-seat restaurant na maghahain ng almusal, tanghalian at magaang hapunan.

Samantala, target namang magbukas ng Bread Ahead ng baking school sa Pilipinas sa unang bahagi ng 2027 upang maturuan ang mga Pilipino ng mga teknik sa paggawa ng tinapay.

-- ADVERTISEMENT --