
Pasok na sa Round of 16 ng Toray Pan Pacific Open sa Japan si Filipina tennis star Alex Eala matapos talunin si British wildcard Mika Stojsavljevic sa straight sets, 6-1, 6-2, nitong Lunes.
Napanatili ni Eala ang kontrol sa laro sa kabila ng paglaban ng kaniyang kalaban sa ikalawang set, kung saan nakaligtas siya sa tatlong break points bago tuluyang selyuhan ang panalo.
Sunod na makakaharap ni Eala si Talia Gibson ng Australia para sa pagkakataong makapasok sa quarterfinals ng torneo.










