
Maagang nagtapos ang kampanya ni Alex Eala sa Wuhan Open matapos matalo kay Chinese player Han Shi sa tatlong sets, 4-6, 6-3, 6-3, sa Round of 64 nitong Lunes sa China.
Nakuha ni Eala ang unang set ngunit nakabawi si Shi sa ikalawa at nagpatuloy ang momentum nito hanggang sa deciding set upang makumpleto ang panalo laban sa Filipina, na kasalukuyang world No. 19.
Ito ang panibagong maagang pagkalaglag ni Eala sa isang torneo matapos ang kaniyang pagkatalo sa Singapore Tennis Open nitong mga nakaraang linggo.
Susunod na makakaharap ni Shi ang Canadian na si Leylah Fernandez sa Round of 32.









