
Nailigtas at naibalik sa natural nitong tirahan ang isang nanganganib nang maubos na Northern Luzon giant cloud rat o “kurimaong” matapos itong matagpuang sugatan at nanghihina sa Lasam, Cagayan.
Namataan ang hayop sa isang puno ng niyog sa Barangay Kabatacan East habang nag-aani ang ilang residente sa lugar.
Agad nila itong kinuha, inalagaan at ipinaalam sa Forest Protection Officers ng Community Environment and Natural Resources Office-Aparri upang masuri ang kalagayan nito.
Matapos matiyak na ligtas na ang kurimaong, muli itong pinakawalan sa kagubatan.
Paalala naman na ipinagbabawal sa ilalim ng batas ang paghuli at pagpatay sa mga endangered species upang mapangalagaan ang mga nanganganib na hayop sa bansa.
-- ADVERTISEMENT --




