
Magpapatupad ng bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang supplier na Solane simula Martes, Oktubre 27, 2026.
Sa abiso ng kompanya, babawasan ng ₱4.55 kada kilo, kasama ang value-added tax o VAT, ang presyo ng LPG. Katumbas ito ng humigit-kumulang ₱50 na tipid sa bawat 11-kilogram na tangke.
Matatandaang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Setyembre ang suspensiyon ng pangongolekta ng excise tax sa LPG at kerosene sa gitna ng mataas na presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Inaasahang makatutulong ang bawas-presyo upang mabawasan ang gastusin ng mga mamimili sa paggamit ng LPG sa kanilang mga tahanan.









