Nasa pangangalaga ng pamahalaan ng Dubai ang 30 batang iniwan noong sanggol pa lamang, karamihan ay may inang Pilipina.

Inaalagaan sila sa Family Village, isang residential orphanage na pinamumunuan ng Pilipinang nars na si Marites Rufo. May 15 nars at 10 caregiver ang pasilidad, na nagbibigay ng tirahan, pagkain at edukasyon sa mga bata.

Ayon sa isang source, natagpuan ang mga bata sa mga ospital, apartment, mall at lansangan. Ang ilan ay inaampon ng mga Emirati national, habang ang iba ay ibinabalik sa kanilang mga bansang pinagmulan matapos ang kaukulang proseso.

Nakikipag-ugnayan ang pasilidad sa Philippine Consulate General at iba pang ahensya para sa repatriation. Isang bata ang naibalik sa Pilipinas noong Hulyo 2026, habang dalawa naman ang na-repatriate noong 2025.

Kamakailan, ginawaran si Rufo bilang grand winner ng Dakilang Manggagawang Pilipino 2026 dahil sa kanyang paglilingkod sa mga bata.

-- ADVERTISEMENT --